Last September 11, 2010 we celebrated our 100th month together. And here's a Facebook note that I've created for my one and only honey.Nung mag-boyfriend palang tayo, halos buong araw magkasama tayo. Lahat ng lakad, lahat ng kilos, lahat ng oras... magkasama tayo. Naging magkamukha na nga raw tayo eh.
Ngayon, kung kelan mag-asawa na tayo, mas kumonti oras na kasama kita. Sa gabi darating ako, konting oras na lang, tulugan na. Sa umaga naman, antok pako, papasok ka na. Sa trabaho naman, bihira naman tayo makapag-chat manlang. Parehas na tayo busy. Bonding moment nalang natin sa simbahan , tuwing Sabado at Linggo. Atleast doon, magkasama tayo - nang mas matagal.
Pero sa pang-100 na 11th day of the month after May 11, 2002... first time, na monthsary date, di na lang tayong dalawa. Me mga sabit na. Yung dalawang makukulit nating chikiting.
Nag-playground, kumain at namalengke. Simple lang. Pero Ibang klaseng date yun. Ibang klaseng araw yun. Mas masaya, mas memorable.
Nung pauwi na tayo, habang nagd-drive ka, ako naman sa tabi mo at mga bata sa back seat,
naisip ko, Sabado - September 11, 2010 – pang 100 monthsary natin. Nag-date tayo with the kids. Sa iba nakakatawa yun. “Anu daw, monthsary? Sine-celebrate pa ba yun? Diba pag lampas isang taon, anniversary nalang?” Hahaha.. oo nga naman. Feeling mag-boyfriend parin daw tayo. Oo naman, feeling mag-boyfriend parin. Crush parin kaya kita.
- Tuwing bagong gising ka- pupungas pungas pa.
- Tuwing hawak mo ang manibela at sakay mo kami ni cassy at david.
- Tuwing naglilinis ka ng kotse .
- Tuwing nag-iiskala ka habang tumutugtog ng gitara .
- Tuwing lumalabas dimples mo pag naka-smile ka.
- Tuwing pinapanood ko kayo habang naghaharutan kayo ng mga kids.
- Tuwing sinusubuan mo ng pagkain si david at cassy.
- Tuwing tinuturuan moko mag-troubleshoot sa computer. Sabi ko pa “I'm not stupid honey.”
- Tuwing nagt-tricks ka sa yoyo.
- Tuwing kinukwentuhan moko tungkol sa mga bago mong nababasa sa bible, parts ng kotse, parts ng computer, sa gitara, sa music theory, sa 3D, sa animation, sa pyramids of egypt at mga aliens.
- Tuwing puma-punchline ka sa mga jokes na narinig mo lang sa bus na sinakyan mo nung umaga.
- Tuwing sinasamahan moko mamili ng shoes at dress ko.
- Tuwing lumalabas ka sa fitting room pag nagsusukat ka ng damit.
- Tuwing naka-towel ka lang pagkatapos maligo, kahit malaki tyan mo at may baby fats ka sa bewang.
- Tuwing pawis na pawis ka pagkatapos mo mag push-up.
- Tuwing excited ako makita ka sa “dating tagpuan”para mag date. As if di ko alam kung ano suot mo nung umalis ka nung umaga.
Masarap lang isipin pagkatapos ng 100 buwan, crush parin kita.
Pero Paglipas ng panahon, lilipas din ang emosyon, matatapos ang “crush”, matatapos ang saya at kulitan... pero ang pangakong mananatili ako sa tabi mo, di lilipas... gaya ng linya ng madramang theme song natin... “I will be true, to the promise I have made, to you and to the One who gave you to me....”
Now, we're past nine years and counting... and still I LOVE HIM MORE...
No comments:
Post a Comment